hindi ako marunong magluto
August 30, 2010 at 11:10 am | Posted in buhay buhay [life] | Leave a commentTinanong ko ang aking kapatid, randomly, kung marunong ba akong magluto. Syempre siya ang tatanungin ko kasi siya at ang pamilya ko lang naman ang kumakain ng niluluto ko. Para siyang bingi na pinaulit-ulit ang aking tanong.
Ha? Ano ulit? Teka parang hindi ko marinig ang iyong tanong. Paki ulit nga. Ano ulit?
Yan ang sagot niya nung una. Sa ngayon kasi siya, isang lalaki at sumunod sakin, ang nagluluto sa amin. Ako lang naman ang taga luto ng kanin sa amin.
Then sinabi niya sa akin: Lahat ng tao marunong magluto. Depende yan sa kakain. Kung yung kakain gusto ng maalat at yung nagluluto gusto ng mapakla, sino ang masusunod? Siyempre yung magluluto.
Natawa ako sa buong statement niya. Hindi ko alam kung seseryosohin ko o hindi. Kung magsalita kasi siya mix ng positive at negative. Isang ironic statement.
Pero hindi pa siya tapos sa statement niya. Sinundan pa ito ng quotes: Alam mo ba ang motto ni Jimmy Santos? Sabi niya, you cook to eat. You eat to live. If you don’t eat you die.
People are asking me, and I don’t know the urge for them to know now, if I know how to cook. To be honest I do know how but currently I don’t taste the food I cook. I inherit the act from my former employer. Before, I did okey until my taste is not that sensitive. Meaning, anything taste good to me and that’s the result of improper practice of mealtime in my early twenty’s.
Sa tingin ko dahil hindi sensitibo ang panlasa ko hindi ako dapat magluto. Teka tamang dahilan ba iyon? Parang gusto kong matawa. Isa lang naman ang alam ko sa sarili ko, marunong ako pero hindi maganda ang panlasa ko. Mahilig pa naman ako sa matamis na pagkain.
Leave a Comment »
RSS feed for comments on this post. TrackBack URI
Leave a Reply
Blog at WordPress.com. | Theme: Pool by Borja Fernandez.
Entries and comments feeds.

