ang twitter at and tumblr

August 8, 2010 at 5:29 pm | Posted in kamunduhan [www], Uncategorized | Leave a comment

Malalaman mong sikat ang isang online networking site pag ang mga hindi netizen ay nakikita mong gumagamit na rin ng mga service na ito. Ang sinasabi kong networking site ay ang twitter at tumblr.

Matagal na akong member ng twitter. Napag-iwanan na nga ang kauna-unahan kong account duon dahil sa limit nitong 140 characters. Hanggang sa gamitin ito ng mga forums na pinupuntahan ko. Maraming mga site ang nagsisulputan para suportahan ang twitter at hindi maging balakid ang limit nitong 140 characters. Isa na dito ang bit.ly at twitpic. Isa na itong network essentials para sa mga taong gustong maging informed.

Ang wordpress, facebook, youtube, google at iba pa ay gumagamit na rin ng connection sa twitter. Meron na silang mga shortcut link na direkta sa mga member’s account nila. Share link ika nga. Ang twitter ang nagbigay buhay sa mas maiikling url services.

bit.ly
wp.me
goo.gl
fb.me
youtu.be

Sa twitter pinanganak ang mga URL na iyan. Isang innovation para ang lahat ay magpunta sa twitter.

Ang tumblr, una ko itong nakita as a source of HD pictures. Ang mga nag-a-upload ng mga picture dito ay hindi nare-resize. Kaya naman na-enganyo akong sumali. I’m a sucker for eye candies. Maraming photos at graphics ang nashe-share ng mga members ng tumblr. At ang maganda dito malalaman mo kung sino ang tunay na may-ari ng mga images na ito.

Sharing info and sharing products, yan ang gusto ko sa twitter at tumblr. Tapos may connection pa ang tumblr at twitter. You can view latest update on your twitter account through tumblr. Oh ha! Wagi! Pero ang update ng tumblr for your twitter account ay hindi ganun kabilis tulad ng twitter mismo. Pero okey na rin kasi hindi ka na mag-o-open ng another tab or window para lang makita ang updates.

Ang pinaka special sa networking site na ito ay ang warning signal or number na nagbibigay sa’yo ng information kung ilang updates na ang dumating galing sa mga pina-follow mo. Naalala ko tuloy ang google reader sa partikular na feature na ito ng twitter at tumblr. Ang feature na ito ay ginagawa na rin ng facebook.

Pero ang mga networking site na ito ay very effective para sa group function. Hay…sana walang active group ng mga Hates dito sa tumblr. Ang facebook kasi ginawa nilang hang-outs ng mga haters. Nakakalokang pumasok na sa facebook. Baka maging friendster ang kahihinatnan ng facebook ngayon.

Sa ngayon ang magandang puntahan sa tumblr ay ang mga groups accounts na nagre-released ng mga info according sa interest mo. Organize naman ang iba at ang sarap mag-like at reblog ng mga post.

Advertisement

Leave a Comment »

RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Blog at WordPress.com. | Theme: Pool by Borja Fernandez.
Entries and comments feeds.

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.