i miss writting

March 22, 2011 at 3:20 pm | Posted in Uncategorized | 1 Comment

hindi ako marunong magluto

August 30, 2010 at 11:10 am | Posted in buhay buhay [life] | Leave a comment

Tinanong ko ang aking kapatid, randomly, kung marunong ba akong magluto. Syempre siya ang tatanungin ko kasi siya at ang pamilya ko lang naman ang kumakain ng niluluto ko. Para siyang bingi na pinaulit-ulit ang aking tanong.

Ha? Ano ulit? Teka parang hindi ko marinig ang iyong tanong. Paki ulit nga. Ano ulit?

Yan ang sagot niya nung una. Sa ngayon kasi siya, isang lalaki at sumunod sakin, ang nagluluto sa amin. Ako lang naman ang taga luto ng kanin sa amin.
Continue Reading hindi ako marunong magluto…

ang twitter at and tumblr

August 8, 2010 at 5:29 pm | Posted in kamunduhan [www], Uncategorized | Leave a comment

Malalaman mong sikat ang isang online networking site pag ang mga hindi netizen ay nakikita mong gumagamit na rin ng mga service na ito. Ang sinasabi kong networking site ay ang twitter at tumblr.

Matagal na akong member ng twitter. Napag-iwanan na nga ang kauna-unahan kong account duon dahil sa limit nitong 140 characters. Hanggang sa gamitin ito ng mga forums na pinupuntahan ko. Maraming mga site ang nagsisulputan para suportahan ang twitter at hindi maging balakid ang limit nitong 140 characters. Isa na dito ang bit.ly at twitpic. Isa na itong network essentials para sa mga taong gustong maging informed.
Continue Reading ang twitter at and tumblr…

a dress…

July 31, 2010 at 10:29 pm | Posted in chenelin [misadventure], salapi [money matters] | Leave a comment
Tags: , , ,

Sale sa SM North. Bumalik ako sa boutique na binilhan ko ng damit na worth 150. Ang pinaka mura at maganda lang na nakita kop duon ay worth 250. Kulay violet pa. AYOKO!

Pero tumingin pa rin ako. Tapos meron pa akong nakita sa display na maganda. I need to see this! Hinanap ko ang damit pero hindi ko yata makita. Ang nakita ko ay ang PINAKA MAGADA yatang dress. Yung para bang pang-summer. Manipis iyon at may flower na print. Kaya lang sleeveless at cord ang strap. Pero ang ganda talaga niya. Bagay sa aking slim*pwe!* figure.

420 pesos ang halaga. Ang mahal!! T_T Pero gusto ko talaga iyon. Isang manipis na jacket lang katapat nun at pwede na sa akin. Ang mga damit na iyon ay nakikita ko lang sa mga online shop. Babalik ba ako?

~~~~~~~~~~~~~

I saw another dress online, hindi ko sure kung for sale. mino-model lang siguro. Pero parang ganito rin yung nakita ko sa SM.

Ulzzang spotted

July 27, 2010 at 9:43 pm | Posted in chenelin [misadventure] | Leave a comment
Tags: , , ,

Ulzzang spotted. Location: 2 o’clock, northeast. Wearing a light brown shirt and a white short with stripes. He was eating fishball and corn.

Bwahahaha! Wow parang reporter lang ah! It was the time na nag-wish talaga akong meron akong dalang SLR camera. Gusto ko siyang kunan ng picture. Para may ebidensya ako.

Pagkasakay ko kasi sa jeep bigla akong nakakita ng kakaibang mukha mula sa crowd. Teka maputing tao ito ah. At kumakain siya ng fishball sa bangketa. Unang tingin ko akala ko Koreano. Pero hindi ko rin sure, baka nga Koreano. Ang puti kasi. Kinis ng balat. At ang lips! Red cherry and kulay parang nag lipbalm lang. Simple lang ang get-up niya pero astig. Mukha siyang estudyante kasi meron siyang dalang bag. Pero sa mukha niya, iniisip kong nasa twenties na siya.

Tanghali iyon nangyari. Papasok na ako sa office at naiinis ako sa init ng panahon sabayan pa ng trapik along 5th Avenue. Pero nang makita ko siya. OMG! Mahal talaga ako ni God. I love eye candy at buti meron pa ring gwapo sa mundo.

Next Page »

Blog at WordPress.com. | Theme: Pool by Borja Fernandez.
Entries and comments feeds.

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.